Monday, March 12, 2012

ENTRY 1: NEW CRUSH!

Watta lucky Monday! Nakita at nakasalubong ko lang naman ng ilang beses ang crush ko ngayong umaga and tama ang iniisip nyo abot langit ang ngiti ko! :D




Matagal na rin kasi since ng huling beses akong tumingin or magka-interest sa ibang guy. Stick to one type kasi ako, so masyado akong focus sa guy na nagustuhan ko nun, nakakatawa nga kasi para akong loyal girlfriend na hindi na magawang tumingin sa iba dahil sa boyfriend nya. Hahaha! Pero wala namang "kami".




Nung mga panahon na gusto ko yung guy na yun, talagang sa kanya lang nakapako ang mga mata ko, wala na kong ibang nakikita kung hindi sya lang, though may feelings pa rin naman ako sa kanya until now hindi and I think hindi naman na mawawala yun, pero kahit papano na-lessen na ang nararamdaman ko para sa kanya. Well, I think that's much better. :)




As a proof that I am slowly moving on, nagka-ineterest na ko sa iba, its just happen hindi ko pinilit ang sarili kong humanap ng iba para lang makalimot.




The funny thing is, para akong high school ngayon. Makita ko lang sya sobra ng saya ko with matching kilig pa. Kuntento na kong masulyapan sya, mapadaan lang sya sa harap ko hindi na masukat ang ngiti ko... abot langit na! How much more each time na nagkakasalubong kami? Kiligness was invading my whole body lang naman. (o^^o)




Nitong nakaraan lang wala talaga ako sa mood pero nung bigla ko syang nakita... naka-upo sa may fire exit biglang nagbago ang mood ko, sabi nga ng friend ko para daw akong sinaniban hindi masukat ang ngiti sa'king mga labi. Na inlove ang mga mata ko sa ayos nya nun, para syang isang model na nag-pipictorial habang naka-upo sa arm chair. This boy was really handsome. :)




(This is him! He's not that photogenic. XD)


I used to call him "kuyang-salamin" before, nung hindi ko pa alam ang name nya. Hindi naman sya nerd or anything, he is just wearing nerdy glasses at times, kung baga pang porma. It really suits him. He looks perfectly handsome everytime he wear that glasses. Idagdag mo pa ang high pointed nose, hair style and height nya! Oh my~ pasok na talaga siya ideal type ko!




But the problem is, he is younger than me! My bad... mas bata na naman sa'kin ang nagustuhan ko.






Anyway, matagal ko na syang napapansin... last year pa, pero dahil nga nasa iba ang focus ko I didn't give too much attention on him. So ngayon, nagsisisi ako bakit ngayon ko lang sya napansin ng bongga, kung kelan ga-graduate na ko. Talaga nga naman ang buhay. :D




I know his twitter account yet hindi ko pa rin sya fnfollow... I know his facebook account but still hindi ko sya ina-add I asked my friend to add him for me using her account... My friend gave me his number but I don't know if I am going to text him or not...






So eenjoyin ko na lang ang remaining days ko sa school sa pagsulyap-sulyap ko sa kanya, beside lagi ko naman syang nakakasalubong. Nagtataka nga ko kung sadyang maliit lang ba ang school namin or talagang pinagtatagpo lang kami para sumaya ang araw ko. Hahahaha! Just kidding. :)






So yun... nakakatuwa kasi nagawa ko ng magka-crush ulit sa iba. Finally! :)






I will definitely enjoy my last days in school. ^^








-end-

No comments:

Post a Comment