Friday, March 16, 2012

ENTRY 3: The Final Step!



"Every ending has new beginning"






Last Wednesday, March 14, 2012, nagkaroon kami ng party para sa nalalapit na graduation. Yah~ one month na lang at ga-graduate na kami. Its the end of another chapter of our life and from there, may panibagong chapter ng buhay namin ang magsisimula.






Napakasaya talaga nung party na yun, for the last time, before we graduate nakapag-bonding pa ulit kami. Our professors gave us advice regarding the new stage of our life. They told us that its not yet the end but a new beginning, marami pa kaming pagdadaanang hirap at pagka-graduate namin dun pa lang namin makikita ang reality of life. They thought us many things and facts about life that we will definitely remember. We also gave message to one of our dearest and most ever supportive professor.




After that nag-start na ang games! First game ang paper dance at the same time stop dance, its the twist of the game pag nakatapak na sila sa dyaryo no one was allowed to move. After ng first game, eating time na! then after that back to games ulit. May punong braso, longest line, yung parang pera o bayong and the last game? I don't know what's the name of that game but it was really fun! naka-blind fold ang mga girls while the boys were standing, paikot sila then yung girls ay iikot when the bit of the music starts and pag nag-stop na ididikit mo ang body parts or hahawakan mo ang body parts (ng partner na mapupunta sayo) na sinabi ng emcee, example: hawakan ang left knee ng boys; ipatong ang chin ng girls sa left shoulder ng boys... something like that. hahaha!




Super saya talaga kahit nakakapagod ayos lang kasi nag-enjoy talaga kami ng sobra sobra. Worth it talaga dahil sa laughter na nakuha namin in return.






Syempre hindi mawawala ang class pictures. We take many pictures as we can, para may remembrance. :)


(BS Accountancy - Batch 2012)




So far, ang batch namin ang pinakamaraming graduating sa Accountancy. Usually kasi hindi lalagpas ng 15 ang grumagraduate sa course namin. So we're thankful na kahit papano kaunti lang ang nawala sa batch namin.




Anung feeling ng gagraduate na?




Ayun...


Masaya... kasi sa wakas, matapos ang lahat ng hardship na pinagdaanan we finally made it! After a long run, mare-receive na ang diplomang ina-aasam-asam namin... marami ng opportunities ang pwedfeng dumating sa'min...




At the same time, malungkot... kasi iiwan na namin ang buhay estudyante. Wala na rin ang bonding at kulitang nakasanayan na... ang kopyahan na nagaganap kapag may assignment, quiz or exam... mga asaran at kung anu-anu pang kalokohan. Wala na rin ang pasarap buhay at petiks-petiks.




Ang bilis talaga ng panahon ngayon, parang kahapon lang first year college pa lang kami, mga isip bata pa, pero ngayon graduating na kami, kinakailangan ng mag-mature at maging seryoso dahil dito pa lang magsisimula ang tunay na journey.




Sabi ng mga professor namin pati na rin ng Dean namin, ang batch namin ang pinaka-makulit sa lahat ng nagdaang batch kaya hindi nila kami makakalimutan. Kami rin daw ang pinakama-reklamo. Haha! Pero kahit ganun, I know na ang batch namin ang pinaka-masaya sa lahat! :)






Mami-miss ko ang mga classmates ko kahit na hindi ko ka-close lahat pero kahit papano kasi may pinagsamahan na. Halos lahat ay nakasama na ng 4 years, at yung iba 3 years kasi galing sa ibang school.




Ganun din ang mga professor namin, pati na rin ang Dean at secretary ng Accountancy. Lahat sila mami-miss ko. :)




I know hindi dapat malungkot 'coz  hindi purkit ga-graduate na mawawalan na ng communication sa isa't-isa. As what our professor said: "its not yet the end, its just a new beginning"






CONGRATS BS ACCOUNTANCY BATCH 2012! WE MADE IT! *cheers! XD*












-end-

No comments:

Post a Comment